Uncategorized

Istarbaks at iba pang kapehan…

Sa mga nagdaang panahon, ang parke at ang mall ang nagsisilbing tambayan ng sangkatauhan. Pagkatapos ng klase at trabaho, lahat ay diretso agad sa mall para magpalamig o maglakwatsa. Sino ba namang mag-aakala na ang isang kapehan ang papalit sa parke at sa mall?

Ang Starbucks ang bagong tambayan. Madalas kang makakakita ng mga mayaman, feeling mayaman, at mga taga middle class na namamalagi dito. Sa halagang P115-165 para sa isang blended iced coffee, tiyak na wala mula sa lower class ng sambayanan ang susubukang pumasok pa sa mga nangiimbitang pinto ng Starbucks. Kung ang minimum wage dito sa Pilipinas ay P125 isang araw, ang mga kumikita ng ganito halaga ay hindi basta-basta bibili ng frappuccino.

Ano nga bang meron sa Starbucks? Oo, maganda at kaakit-akit ang interior nito. Italian-styled flooring, country-styled na upuan at lamesa, at isang sopistikadong counter kung saan makikita lahat ng maaaring gamitin para sa kape. Idagdag mo na rin ang “rich” atmosphere. Bukod dito, sa amoy pa lang ay matatakam ka na. Bakit ba kasi ang tapang ng aroma ng kape? Ayan tuloy, malayo ka pa lang ay naaamoy mo na ang kape. Ang masama pa nito, parang inaakit ka ng isang unknown force. “[insert name here], halika… lumapit ka… I know you want to.” Linchak. Tignan lang natin kung di ka biglang mapatingin sa wallet mo. Kadalasan mong makikita dito ang mga “elite” people, dayuhan, mga conyong estudyante ng mga pribadong eskewelahan, at mga taong sadyang may  pera at walang magawa. Sino ba naman ang hindi gugustuhing pumasok sa loob ng isang magara at katakam-takam na lugar?

Siguro ay marapat nating pasalamatan ang mga Pilipinong nagfranchise ng Starbucks dito sa Pilipinas. Pasalamatan natin sila sa pagdadala dito ng isa pang bahagi ng kultura ng Amerika. Ang talino nila no? Tiyak kasi na “in” lahat ng mga galing Amerika. Pano ba naman eh may colonial mentality tayo. At syempre, isang malaking pagakap ang ginawa natin bilang pagwelcome sa Starbucks.

Ngayon, ang Starbucks ay nasa bibig na ng halos lahat ng tao. “Pre, meet you at Starbucks later ah.” “Hey sister, let’s make chika and tambay at Starbucks later. There are madaming cutie na guys there eh. And syempre, I’m gonna make pacute para naman may new boyfriend na me.” “Honey, fetch me at Starbucks. (with matching pasweet accent) Sige na, then let’s have coffee na rin. I wanna try the new drink that they have there eh.” Oh diba? Sari-saring paraan kung pano magimbita papunta doon. Syempre, ang loner mo naman kung mag-isa ka lang don diba? At mas masaya yong marami kang kasama kasi mas tatagal ang stay mo don. Ganon? Oo, ganon. Karamihan, pupunta lang sila don para tumambay. Kahit ubos na ang kape nila, di pa sila uuwi. Mas feel nila kasi don sa Starbucks eh. Malamig, mabango, at syempre komportable sila sa mga upuan doon. Ah basta, Starbucks is the talk of the town. Kung sino man ang hindi pa nakakatikim ng isang frappuccino (o kahit espresso) mula sa Starbucks, magtago ka na. Wag mo ng aminin at dahil baka may makarinig sayo at matawag ka pang LOSER. Well, hindi mo naman siguro ikasasama na tawagin kang loser kung ikaw ay hindi talaga umiinom ng kape or ayaw mo lang maging “in”. I’m sure your conyo friends would understand. Anyway, kung ayaw mo talagang matawag na loser sa bansang Starbucks ang tanging sinisigaw, magkulong ka na lang o di kaya… bumili ka na kahit isang maliit na baso lang ng frappuccino for God’s sake.

P.S. Ang sarap ng Peppermint Mocha Frappe—abangan sa Pasko. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *