Pharmacy Profession,  Work

Generika 101: What are the questions I should ask my pharmacist regarding my medicines?

Ask Your Pharmacist
Ask Your Pharmacist

This video aims to inform customers regarding the possible questions that they should ask pharmacists regarding their medications. It also informs the community about the health services being offered at Generika Drugstores nationwide.

[youtube=http://www.youtube.com/watch?v=pcbaUbrYdS4]
 

Filipino Transcript:

Ano ang mga dapat kong itanong sa isang Pharmacist tungkol sa mga gamot na inireseta sakin?

Hi! Ako si Monique Sanchez, isang Generika pharmacist at trainer.

Mahalagang maintindihan ninyo ang bawat gamot na inyong iniinom at kung paano ito makakaapekto sa inyong katawan. Narito ang mga pwede ninyong itanong sa isang pharmacist. Ano ang pangalan at spelling ng gamot, ano ang kahulugan ng mga abbreviations, at kung saan pa pwedeng maghanap ng karagdagang impormasyon tungkol dito? Itanong din kung ano ang mga alternatibong generic na gamot.

Alamin kung ano ang epekto ng gamot sa inyong katawan at kung kailan ito magkakabisa. Alamin din kung paano, ilang beses sa isang araw, at anong oras dapat inumin ang gamot. Itanong din ang pwedeng gawin kung sakaling mali ang klase at dosage ng nainom mong gamot. Alamin din kung kelan mo dapat iwasan ang paginom ng alak, halamang gamot, mga pagkain, at iba pang kagamutan na maaaring makaapekto sa bisa ng gamot. Parating i-check ang mga side effects ng gamot at paano ito maiiwasan. Kung sakaling makakaranas, komunsulta kaagad sa isang pharmacist o doktor.

Narito pa ang ibang mga katanungan: Maaari ko ba itong inumin kung ako’y buntis o nagpapabreast feed? Ano ang mga posibleng resulta sa paginom ng gamot na ito? Ano ang mga sinyales ng allergic reaction at ano ang mga instances na kinakailangan ng kaagarang atensyong medical? Kailan pwedeng ibahin ang dosage ng pag-inom ng gamot at kailan ito ihihinto?

Ilan lang iyon sa mga pwedeng itanong sa isang Generika Pharmacist. Dahil ang patient counseling ay isa lamang sa mga services na binibigay ng Generika Drugstore. Bukod dito, mayroon din kaming libreng blood pressure monitoring at fasting blood sugar testing para sa may mga diabetes. Nagkakaroon din kami ng mga activities tulad ng libreng konsulta, libreng bunot, mobile clinic, at medical missions.

Pumunta lamang sa pinakamalapit na Generika Drugstore kung mayroon pa kayong ibang mga katanungan.

Sa Generika Drugstore, pinahahalagahan namin ang inyong kaligtasan at kalusugan. Dahil, ALAGA KA SA GENERIKA!

English Transcript:
What are the questions I should ask my pharmacist regarding my medicines?

Hi! I’m Monique Sanchez, a Generika pharmacist and trainer.

Understanding your medication and how it may affect you is crucial to your safety. Here are some questions you should ask your pharmacist. What is the name of the drug and how is it spelled? What are the meanings of abbreviations and where can you find more information about it? Also ask if there are any generic alternatives.

You should know what the medication is supposed to do and how long it will take to achieve that result. Make sure you know how to take the medication and how many times a day you need to take it, and if a certain time of day is preferred over another. Ask if you have any other options: what will happen if you took a wrong type of medication and wrong dosage. Ask if you should avoid alcohol, herbs, food, other medications, or activities that will alter the efficacy of a medication. Always be aware of the common side effects, and if there’s a way to reduce the chances of them developing. Also be sure to know what side effects you should contact the pharmacist or doctor about if they occur.

Other questions you should ask are: Can I take this medication if I am pregnant or breastfeeding? What are the risks associated with the medication? What are the symptoms of an allergic reaction? Are there any symptoms that require emergency medical help? When should the dosage be changed or the medication be stopped?
Those are some questions that you can ask a Generika Pharmacist. Patient counseling is one of the services that is being offered by Generika Drugstore. Aside from this, we also offer free blood pressure monitoring and fasting blood sugar testing for those with diabetes. We also conduct activities such as free medical consultation, free dental services (such as tooth extraction), mobile clinic, and medical missions.
If you have any questions, visit your nearest Generika Drugstore.
At Generika Drugstore, we prioritize your safety and health. Because, ALAGA KA SA GENERIKA!

For more information, visit the Generika Website and like us on Facebook!

*Thanks to Josh Diaz for taking and editing the video. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *