Uncategorized

UP Centennial Lantern Parade and Overnight at Giselle's (December 17-18, 2008)

I spent my birthday not at home, but at UP Diliman with my friends. 🙂 Well, okay lang naman coz I really enjoyed. 🙂

Actually, buong araw ng birthday ko ay naglalakad ako. Haha! Pero okay lang… nagenjoy ako lalo na sa bonggang fireworks display after the Lantern Parade. Nagandahan din ako sa mga lanterns at floats na pumarada sa UP. The best pa rin talaga ang College of Fine Arts na todo ang ginawa! 😀 Ang ganda! At mukhang napakagastos. 😀 Sulit naman kasi enjoy ang lahat!

After naming magintayan bago magpunta kina Giselle, kumain kami sa McDo at bumili din kami ng inumin at pulutan sa 7-11. Haha. 😀

Ang saya kanila Giselle. 😀 Ang lamig-lamig kasi eh… Malamig ata talaga sa QC kasi ang daming puno.

Nagexchange gifts muna kami para simulan ang kasiyahan. 😀 Ang natanggap kong regalo from JEMS ay isang bag organizer. Thank you!!! 😀 I really need it… Then, from Rizza Beth, a book written by James Patterson entitled “The Quickie”. Thank you! Wala pa ako ng ganong book… thank you talaga. Excited na kong basahin. 😀

Anyway, Eizel brought her MagicSing at kantahan to the max na naman kami. Wala pa ring nakakatalo sa record ko this year na 91. 😀 Chit, sorry… pero ako ang reyna ng MagicSing. 😀 2 years na nasa akin ang korona. Hehe. 😀 At wala akong balak ibigay sayo Chit. 😛

Ang daming pagkain kina Giselle… May barbecue, may fried chicken, at Californian Maki. Sana pala, hindi na kami nagdinner sa McDo. Hehe. Tapos si Randy at Rea, nagtimpla ng aming punch for the night. Ang sarap. 😀 Marami ata akong nainom… pero lahat ng yon ay binurp ko rin agad kaya walang effect. 😛 Buti na lang… ayoko atang mapunta sa hot seat. Haha. 😀

Balak ko sanang hindi na lang matulog at kumanta na lang buong gabi kaya lang, kailangan na naming matulog ng lahat… para naman magkaron ng katahimikan at katiwasayan. 🙂 “At the count of 5, everyone should fall asleep.” Yeeees. Masunuring mga bata, natulog agad ang lahat. Pwera na lang sa ibang pasaway. 😛 Pero natulog na rin naman sila.

Bandang 4am, nagsimbang gabi ang karamihan sa amin. Hindi na ako sumama kasi hindi ko na rin naman nasimulan eh. 🙁 Next year na lang ulit.

Kinaumagahan, nagising ako sa bango ng amoy ng fried rice. 😀 Yummy. 😀 Ang daming pagkain ulit!!! Fried rice with tapa and hotdog plus bibingka. 😀 Yey!

Grabe, sobrang busog talaga kaming lahat… at super nagenjoy! Maraming salamat Giselle at sa iyong parents for letting us stay in your home. 🙂 (Sa uulitin…)

*Maraming salamat sa mga bumati sa akin. 😀 I love you!

*Some pics grabbed from Ethel, Giselle, Mycel, Randy, and Rea. 🙂

18 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *