Mga Kasagutan sa mga Tanong ng Bumabagabag sa Iyong Isipan
Ang aking kaibigan ay mayroon lang mga ilang katanungan na matagal nang bumabagabag sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Maaaring ang iba rito ay alam na rin ito ngunit walang makapagbigay ng akmang kasagutan o pagpapaliwanag. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Pwede bang uminom ng softdrink kapag coffee break? Pwedeng uminom ng softdrink kung coffebreak ngunit kailangan itong lagyan ng asukal at kopimeyt. Kopimeyt dapat at huwag gatas. (milk in my cereal, kopimeyt in my pepsi. Sounds good to me!)
2. Pwede bang gamitin ang a.m. radio pag gabi na? Maari lamang gamitin ang a.m. radio kapag gabi kung ang iyong pakikinggan ay f.m.
3. Ang fire exit ba ay labasan ng apoy? Ang fire exit ay ginagamit lamang bilang labasan ng apoy kapag may sunog. Ito ang kanilang daan upang sila’y makatakas o ang tinatawag na “fire escape.”
4. Ang uod ba pag namatay ay inuuod din? Ang tao kapag namatay ay hindi tinatao. Malamang ang uod ay hindi rin inuuod. Kung ang tao ay inuuod kapag nalaguatan ng hininga, siguro ang uod kapag namatay ay tinatao.
5. Totoo bang ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masasaya kaya sila tinawag na Chicken Joy? Ang mga manok na pinatay sa Jolibee ay masaya kung kaya’t sila’y tinawag na Chicken Joy. Ngunit hindi kinakailangang sa Jolibee patayin ang manok upang maging ito ay maging masaya…ang mga manok ay nagiging masaya kapag sila ay may kasama sa buhay. Kapag ito ay nag-iisa lamang, ito ay hindi Chicken Joy kundi…McChicken Singles. (Ang pinakamasayang manok sa lahat ay iyong 6pc. Chicken McNuggets)
6. Kung ang 7-11 store ay bukas 24 hrs a day, 7 days a week, at 365 days a year, bakit may lock pa ang pinto nila? Bakit? Bakit? Dalawa ang dahilan. Una, may coffee break (tingnan ang katanungan bilang 1 hinggil sa maaaring inumin kapag coffe break) din naman ang mga nagtatrabaho sa 7-11. Pangalawa, mayroon tayong tinatawag na leap year.
7. Bakit di mataas ang highway? Dahil kung mataas ang highway, walang paglalagyan ng skyway.
8. Ba’t alang lumilipad na sasakyan sa flyover? Hindi lang natin nakikita ang mga nagliliparang sasakyan sapagkat hindi tayo tumitingala kapag tayo ay nasa flyover. Ang pagsalin ng dayuhang salita na flyover sa katutubong wika ay “fly”-lipad, “over”-sa ibabaw. Ibig sabihin nito na ang mga kotse ay hindi lumilipad sa flyover ngunit sa ibabaw ng flyover. Ngayon kung titingala ka naman kapag ikaw ay nasa flyover ang tangi mong makikita ay ang kisame ng iyong sasakyan.
Share this:
- Click to share on Twitter (Opens in new window)
- Click to share on Facebook (Opens in new window)
- Click to print (Opens in new window)
- Click to share on LinkedIn (Opens in new window)
- Click to share on Reddit (Opens in new window)
- Click to share on Tumblr (Opens in new window)
- Click to share on Pinterest (Opens in new window)
- Click to share on Pocket (Opens in new window)
- Click to share on Telegram (Opens in new window)
- Click to share on WhatsApp (Opens in new window)
- Click to email a link to a friend (Opens in new window)