Uncategorized

Akala siguro nila mayaman ako.

Pero dun sila nagkakamali.

Magaganda daw kasi mga damit ko. Ang dami ko daw gamit. May business ako.

Di nyo lang alam… naghihirap na talaga kami. (Alam ko, lahat tayo naghihirap. Pero iba to. Pramis!)

Alangan naman ibenta ko mga damit, accessories, alahas, libro, etc. Yun na nga lang kayamanan ko eh.

Ang hirap maging independent. Ang hirap kapag ikaw ang nagpapaaral sa sarili. Ang hirap kapag wala kang mapagkukunan ng pera. Minsan, kung ano-ano na pumapasok sa isip ko. Basta lang magkapera. Pero wag kayo mag-alala… nasa katinuan pa ang isip ko.

Haay. Ang hirap… Nakakabaliw.

Eto pala ang wishlist ko ngayong pasko:

– Round trip ticket to Cebu (mas maganda kung may kasama na ring hotel reservations) para naman makapagrelax-relax ako. Matagal ko ng gusto magtravel magisa eh. Gusto ko nga minsan magpunta sa isang bansa na hindi madalas pinupuntahan ng tao. To have some “me” time, kumbaga.

– Wala na pala. Yan lang talaga gusto ko.

Naalala nyo ba yung sinabi ko dati na I accept personal donations?

Di ako nagbibiro.

(Thank you in advance!)

40 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *