Litanya, Part 2
Ang sakit pala na mawalan ng anak…
I’m sorry to say this pero wala na sa akin si Lucius. Napabayaan ko sya. Ang sakit, ang sakit-sakit talaga ng nangyari.
Hindi ko alam kung bakit nagkaganon, pero ang sigurado lang ay nagkulang ako sa alaga. Maaaring hindi ako nagkulang sa pagmamahal… pero parang ganon na rin yon. Kahit anong gawin ko, wala na sya sakin.
Bumalik na sya sa breeder. Pero I’m really thankful dahil at least, mas maayos na buhay nya don. Kasalanan ko naman eh… Ang sakit talaga, sobrang pinamukha sakin how irresponsible I am. Sabi ko nga, “Don’t rub it in.” Thankful na rin ako dahil kahit papano ay naexperience kong mag-alaga ng shih tzu.
Lucius, I’m really sorry kung hindi kita nasuklayan araw-araw. Alam ko yon ang dahilan kaya nagkabuhol-buhol buhok mo. Sana nga kinalbo na lang kita, eh di hindi pa nagkaganyan. Sorry talaga… malaking kasalanan ang ginawa ko sayo na hindi pagsuklay araw-araw.
Ang hindi ko lang alam ay kung bakit umabot sa ganon ang sitwasyon. I was really saving up for him. Kung alam nyo lang, parte ng baon ko ang napupunta sa savings ko para kay Lucius. Bibili na nga ako ng mga gamit nya this August eh… Para talagang maayos ko na sya. Ready na nga rin ako para sa mga susunod nya na visit sa vet eh (para sa anti-rabies at heartworm prevention). Pero wala na… wala ng saysay pa.
Sobrang napamahal sakin si Lucius. Actually, hindi lang sakin dahil pati ang pamilya ko ay napamahal na rin sa kanya.
Kahapon pa ako buong araw na umiiyak. Hindi ko talaga kinaya. Hindi na rin mababalik si Lucius sakin dahil nga sa aking kapabayaan. 🙁 I promise to be a better and more responsible pet owner in the future. It’s a really big disappointment sa dog world. I accept that it’s all my fault kung bakit nagkaganyan si Lucius. Pero I’m glad that he’s okay now.
I really want to say sorry… to Lucius, to Ms. Cheryll, Gerard, Gel, Kuya Mon, to everyone. I failed you and I’m sorry for that.
Basta, ang sakit talaga mawalan ng anak. Lucius, sana magkita ulit tayo… I will miss you. Mahal pa rin kita kahit hindi ka na sa akin.
– – – – –
Oh diba? Ang daming nawala sakin. Due to that, I had a breakdown yesterday.
Let’s just say na I’ve been crying 24/7. Pero wala na… There’s no use dahil wala na. No amount of my crying would make Lucius come back to me. No amount of crying would undo every mistake that I have done.
Instead, I have learned that I must and should LEARN FROM THE EXPERIENCE.
– – – – –
Ang sakit din na makitang umiiyak ang parents mo dahil sa isang napakalaking pagkakamali.
I’m really sorry for disappointing you. Hindi na yon mangyayari ulit. I won’t disappoint you ever again. *hugs* I love you.
– – – – –
Tungkol naman sa lalaking nasa naunang Litanya…
Sana makapunta ka naman dito sa bahay namin… kahit isang beses na lang. Even if it is for the last time. Ang hirap ba ng pinapagawa ko? Wala lang, gusto ko lang malaman kung mahal mo ba talaga ako.
Ako na ang iiwas sayo.
Masyado ng masakit ang mga pangyayari. Ayokong mawalan ng faith kay God pero bakit ganon? ANG TINDI NG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO NGAYON.
Mahal mo nga ba talaga ako? Minahal mo ba talaga ako?
Marami akong hinanakit sayo. Pero hindi na kailangan malaman ng iba yon. Dahil ikaw, alam mo kung ano ang mga sinasabi mo sa iba tungkol sakin. At alam ko rin yon. Bakit kailangang sabihin mo sa kanila yon? Wala na. Wala na rin akong maitatago pa dahil alam na rin nila (lalo na ng mga magulang ko).
Minahal kita at sobra ang tiwala ko sayo… Pero bakit mo kailangang gawin yon? Sana isinaalang-alang mo rin ang damdamin ko.
– – – – –
Sa tingin ko nga, kahit siguro sakalin, sabunutan, o sampalin nyo ko… o kahit sabihan nyo ko ng kung ano mang masasakit na salita… at kahit siraan nyo pa ko… wala ng hihigit pa sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Sige lang, gawin nyo na lang sakin kung ano gusto nyong gawin. Kung yon lang ba ang ikakasaya nyo, eh di Go! Sabihin nyo na lahat ng gusto nyong sabihin. Kung magiging masaya lang kayo sa ginawa nyong yan, at kung pagdating ng kamatayan nyo eh alam nyong tama pa rin ang ginawa at sinabi nyo… eh di bahala na kayo.
Basta ako, gusto ko na ng katahimikan. Maaaring mawala muna ako sa online world. I’ll focus on my studies na. Yon na muna at wala ng iba. At ngayon, makikinig na ko sa mga bilin sa akin ng mga magulang ko.
Hindi pa huli ang lahat para magbago.
Oo, ikaw… alam kong marami kang gustong gawin sa buhay mo. Alam ko rin na marami kang pagkakamali.
Hindi pa huli ang lahat… there’s still time to change.
Share this:
- Click to share on Twitter (Opens in new window)
- Click to share on Facebook (Opens in new window)
- Click to print (Opens in new window)
- Click to share on LinkedIn (Opens in new window)
- Click to share on Reddit (Opens in new window)
- Click to share on Tumblr (Opens in new window)
- Click to share on Pinterest (Opens in new window)
- Click to share on Pocket (Opens in new window)
- Click to share on Telegram (Opens in new window)
- Click to share on WhatsApp (Opens in new window)
- Click to email a link to a friend (Opens in new window)