Litanya
So this is it?
Is this already good bye?
If it is, I want to tell you that I had a great time with you.
I will miss you.
O sige na… gwapo ka na. (Kahit hindi. ehem.)
LOL
Sana lang… mapakita mo sakin kung gano ako naging kahalaga sayo.
Sana maparamdam mo sakin how important I really was to you.
Sana lang… kahit sa huling pagkakataon.
Salamat sa pagtulong mo sakin…
Sorry for the disappointments.
Bakit ko pa kasi naisip noon na tulungan kang ayusin ang buhay mo?
Responsibility ko ba yon? hindi. Pero bakit ganon? Why did I feel that I have to help you? Why did I feel that I need to help you? Sabi nga ng iba, you’re worth the fight.
In all honesty, while I was trying to change you… ikaw ang nagpabago sakin. Oh diba? Ang dami mong tinuro sakin eh. 🙂
Haay… ngayon pa lang namimiss na kita. Bakit ba kasi ako ganito? Ang dami ng nagwarn sakin… pero bakit tinuloy ko pa rin?
Ako ba ang iyong sugo? haha. (scorns at the name)
Sigh. I miss your being corny. Yes, corny mga knock-knock jokes mo. Pero tinatawanan ko. Mahal kasi kita eh. Oh diba? (Shocks. Ang heavy.)
Sana lang nababasa mo to… Kasi balewala rin naman kung hindi mo to mabasa.
Sana maantig ko ang iyong puso at damdamin. Sana maipadama ko sayo kung gano kita minahal.
Alam mo yon? Sige na, you didn’t ask me too. Pero I stayed by your side. I stayed with you. Hindi kita iniwan. Kelan ba kita iniwan? Alam ko rin na hindi mo ko pinilit na magstay. Pero pinili kong manatili sa tabi mo. Siguro kasi gusto ko rin makakita ng himala.
Ano nga bang himala ang hinahanap ko? Na sana maging malambot ka rin. Na sana isipin mo rin na may nagmamahal sayo. (Shocks. Haba ng hair mo.) Na sana matutunan mong mahalin yong nagmamahal sayo. Na sana, hindi mo na paglaruan ang ibang tao. Na sana maisip mo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ka. Na sana you wouldn’t take for granted those that really care for you. At higit sa lahat, na sana maniwala ka na may Diyos.
Sige na, ikaw na rin nagsabi, hindi na tayo. Kahit na ganon, gusto kong malaman mo na ako pa rin si Monique. Ako na pwede mong kwentuhan sa lahat ng kalokohan, kasiyahan, kadramahan, at kung ano pang pakiramdam. Ako na palaging mong nirereklamuhan na may sakit ka. (Wish ko lang talaga doctor na ko para magamot na kita.) Ako na pwede mong kulitin. Ako na pwedeng magayos ng computer mo. Ako na nagaayos ng website mo. Ako na tumutulong sayo. Ako na maaari mong sandalan sa kahit anong dahilan. Ako na pwedeng magedit ng photos mo. 😛 Ako na pwedeng maginarte sayo. Ako na magsusulat para sayo. Ako na mamimiss ang kalokohan mo. At ako na nagmahal at nagmamahal sayo.
O sige na ang drama ko na. (Ayaw mo ata ng ganito. Pero gusto ko lang iparamdam sayo ito.)
Siguro nga this is for the better.
Para sayo… at para na rin sa akin.
Til then.
Share this:
- Click to share on Twitter (Opens in new window)
- Click to share on Facebook (Opens in new window)
- Click to print (Opens in new window)
- Click to share on LinkedIn (Opens in new window)
- Click to share on Reddit (Opens in new window)
- Click to share on Tumblr (Opens in new window)
- Click to share on Pinterest (Opens in new window)
- Click to share on Pocket (Opens in new window)
- Click to share on Telegram (Opens in new window)
- Click to share on WhatsApp (Opens in new window)
- Click to email a link to a friend (Opens in new window)